UPCAT 2006 Result
Lahat ng nagtanong kung pumasa sila sa UPCAT 2006, magmula noong Mar 6 hanggang ngayon, SORRY, bagsak kayo lahat! Para makasigurado, log on sa
http://upcat.up.edu.ph/result at search uli kung pumasa o bagsak nga kayo. Noon pang March 2 o 3, naka-post ang result. Bakit di nyo agad tiningnan?
Sa mga bumagsak, wag magdamdam. Baka yong score nyo ay pwede sa ibang UP campus. Sa mga pumasa, congrats! at sana maka-graduate kayo sa UP! Walang spoon-feeding doon. Ikaw ang mag-aaral. Aalalay lang ang mga professors at lecturer. Ingat sa mga terror teachers! Pila nang maaga para hindi sila ang teacher ninyo. Yong magagaling, sila ang kunin nyo dahil sulit.Marami kayong malalaman at challenge pati. Yong magdo-dorm sa Diliman, mag-reserve agad sa Kalayaan Hall at baka maubusan ng slot, lalo na yong taga-probinsya.